Lilypie - Personal pictureLilypie First Birthday tickers

Tuesday, January 4, 2011

misis diaries 3

Adobong chicken

Adobong pork

Mais with malunggay

Bangus steak

Pinakbet

Paksiw na fish

Ginisang munggo

Chicken macaroni soup

Tinolang chicken

Poqui-poqui

Pork chop

Tortang talong

Tortang talong with tuna omelette

Chicken macaroni salad

Plain rice

Garlic fried rice

Vegetable salad

- - - - -

Nope, hindi yan part ng menu ng fave resto ko, hindi rin yan ang listahan ng mga paborito kong pagkain. Listahan yan ng mga so far eh alam ko nang lutuin :D

I just recently discovered that I enjoy cooking. Sabi nga ni Meyms, cooking is therapeutic. Ang stressful lang is thinking of what to cook and what to buy pag asa palengke na. I tend to forget kasi what I need and then realize when I reach home na may nalimutan pala ako. But I found a way to avoid this -- bili na lang ako nang bili ng alam kong kakailanganin ko soon para di na ko makalimot :p

This morning I was watching a show that featured the many different ways of cooking sinigang, and I think that will be my next project. Mukang madali lang naman but I've never tried cooking it yet kasi I don't know what to put para umasim siya. Monmon kasi doesn't like using sinigang mix, he wants it old school. Eh saan naman ako hahanap ng sampaloc? Wala pa ko nakikita so far sa NGI market. Bahala na :p

Alamat na din sa family namin ang molo soup. Every time may get-together since I was a toddler and maybe even before pa, hindi pwedeng walang molo. It's easy naman to cook pero a little ma-effort to prepare. Imagine making siomai. And then you put it in a soup. Madali lang naman no? Tamad lang ako :p

Another one of my favorites is my ate's emobotido with tartar sauce. Yun ang ma-effort talaga. Haha. I'd like to learn how to make embotido din, but maybe reserve it just for special occasions lang. Hehe.

Lastly, Monmon's mom and my ate #2 make good chicken cordon bleu. Yummy to, lalo na with the sauce, yuuuummmm! I think Mon already knows how to make it, kaya sige ipaubaya ko na sa kanya ang pag-career dito. Hahaha. Bahala na lang ako sa white sauce :p

- - - - -

Sorry puro food itech, obvious ba what my new hobby is? Cooking and eating :p 

A little kwento na lang, I'm now on my 6th month with bebe Yohann a.k.a Moymoy. I am now a whopping 135 lbs. and feeling chubby everywhere. I'm also manas especially sa hands and feet. My feet are normally swollen in the afternoon when I get tired from all the day's work, pero I just keep them up before sleeping and they feel better na. But my hands are a different case. Every morning I wake up with manhid hands, lalo na yung right one. They're puffy and parang dinikit sa ice for a long time, ganun ang feeling. It's hard for me now to grasp things, text long messages, hold the phone to my ear for a long time, cut things with a knife or scissors, and even take a bath. My right hand is often weak I can't use it as much as I used to. Ewan ko bakit, binigyan na ko ng OB ng vitamins for the nerves. I guess I'll just have to get used to it for a few more months.
 
- - - - -

I'm already counting the days 'til I resign from work. I have until end of Feb. na lang, and after that I'll be home everyday na. I can think of a lot of things to do, pero pag asa bahay na ko I can't do everything naman. Like the other day, I planned to clean the house, do the laundry and iron our clothes for the week. The only thing I did was clean downstairs and wash only half of the laundry. Oh well, I guess ok na rin yon so I won't run out of things to do pag nag-resign na ko. But, I still need to look for work that I can do at home. Help me pray that I find one soon :)

- - - - -

I'll be busy this year with a lot of kids -- my own and others included. Mader invited me to work again with the foundation and I'm excited to be back to where I used to be. I don't know yet exactly what I'll be doing but just being with the kids is enough to excite me. Naisip ko rin, this will be a good start for Yohann, habang bebe pa sha ma-expose na sha sa ministry with me. Hihi. Nakakatuwa lang.

- - - - 

Wala na kong ma-chika, next time ulit at manhid na my hands. Meryenda muna ako ha! :D 

18 comments:

  1. therapeutic nga ang pagluluto. katuwa naman mards, parami na nang parami ang recipes mo - may napansin lang ako... wala pa ring ginisang loofah with miswa. but knowing you, alam kong lulutuin mo rin yun. keep it up, and keep writing your misis diaries! =O)>

    ReplyDelete
  2. hala. wala daw bang way para ndi mamanas ung kamay mo? parang ang sakit lng kasi. awawa kaw. hugsss.

    pero alam mo, ginutom ako sa post mo, kaya kakain muna ako =D hehehe

    ReplyDelete
  3. hello katuks! :) haha 61 kgs, not bad I'm on my 29th week so nearing the close of the 7th month and I have 68 kgs. si wojtek on a bad day has 71 kgs and on a good one has 69. therefore, singbigat ko na ang asawa ko samantalang dati 20 kgs ang lamang niya sa kin lagi. buraot.

    i'm glad you're cooking a lot, sarap no. sa kin feeling ko kasi meditative magluto, you have to only think about cooking. pag nagluluto ako ng walang focus, hindi masarap. diba diba?

    manas - wala naman akong matinding manas, konti lang. pero di na kasya ang aking wedding ring sa ring finger haha. kakahiya. ingatan mo ang salt intake teh, ako bihira na magasin kasi nga takot ako na baka sa paa mapunta manas ko e ubod ko ng clumsy baka madapa ako kawawa naman si biikers.

    i wish we could be pregnant together.

    sending my love to you and yohann,
    ateng

    ReplyDelete
  4. iniiwasan kong magkakain ng patola pards, imagine-in mo pag nasobrahan sa pagkapatola ang batang ito. hahahaha. nakakatakot :))

    hopefully madagdagan pa ang mga naluluto ko this year, i'll have all the time to practice soon. (oha, ingles!) :p

    ReplyDelete
  5. part of pregnancy talaga sha joyce, eh dati na din manasin ako so mas prone talaga ako. maliban dun sa vitamins na bigay ng OB, kailangan ko ring iwasan ang maalat at matamis at uminom ng isang timbang tubig everyday :D

    kumain kana? :p

    ReplyDelete
  6. ateng! kumusta na kayo ni tara? hihi. namiss ko mga kwento mo.

    okay ka lang bumigat nang ganyan ateng isang milya naman ang haba mo. ako kalahati lang eh. hahaha. halatang-halata ang taba lalo sa fez!

    yup, meditative nga ito. minsan kahit mag-isa lang ako nagluluto pa rin ako ng putahe feeling ko nare-relax ako. at totoo nga pag naka-focus ka parang ang sarap lalo ng kinalalabasan :D

    good for you at wala kang manas ateng. ako ang agang lumabas. even before pa kasi manasin na ko. pinagbawalan na nga ako sa maalat at matamis at uminom daw ng sandamakmak na tubig. keri naman. kaso manas pa din :p

    hay, naiimagine ko na pag pregnant together tayo ateng...parang mapapaaga tayo ng panganganak! hahaha!

    kisses kisses to you and the little taratitat! mwah!

    ReplyDelete
  7. yup kumain na ko. hehehehe =D

    ahhh ok, ksi me iba nmn na ndi namamanas sa kamay hehehe alam ko lng sa paa. =D

    ReplyDelete
  8. oo nga eh, nagtataka din ako bakit kamay ko ang manas at manhid. i guess dahil nga kahit noon pa, madalas ganto na to pag nasosobrahan ako sa alat.:p

    ReplyDelete
  9. oo nga eh, nagtataka din ako bakit kamay ko ang manas at manhid. i guess dahil nga kahit noon pa, madalas ganto na to pag nasosobrahan ako sa alat.:p

    ReplyDelete
  10. o magbawas ka na nga ng alat at tamis... knina naka butterfinger ka pa :P

    ReplyDelete
  11. mars, have u tried VA4u.com and Odesk.com ?? Medyo hassle lang kse may Skype interview pa ata e. Pero bka suitable siya sa bagong sked mo kse makakapamili ka ng projects na tatanggapin or aapplyan mo e. Nga pala, yung gift ko sa yo di ko pa nahatid jan. After Jan 6 I'm free na. nagresign na din ako e. :D

    ReplyDelete
  12. nag-open na ko ng account sa Odesk, pero wala pa kong naa-apply-an. hehe. huwat, may Skype interview pa? arte nila haha!

    nag-resign ka na??? san ka na next? :D

    ReplyDelete
  13. nag-open na ko ng account sa Odesk, pero wala pa kong naa-apply-an. hehe. huwat, may Skype interview pa? arte nila haha!

    nag-resign ka na??? san ka na next? :D

    ReplyDelete
  14. gosh i miss cooking. miss ko na na ako nagpapakain sa pamilya ko. hehehe hirap lang kase, ang seselan mga tao dito.

    but anyways, congrats gelplen. dami na ah. akalain mo yon, nung una kala nating lahat eh puro take out na lang kayo dahil dami lapit food chain/resto sa inyo. hihihi sarap magluto..

    try ko pahanap ng sampaloc dito sa palengke namin ah, pag meron dalahin ko later para ma-try mo. hirap naman kase ng mismong sampaloc. hahaha pag wala, try nyo na lang ang kamias or santol. old school din naman. hihihihi

    ReplyDelete
  15. sa bahay din mahal ang selan ng kasama ko, pero wala shang choice! hahaha.napipilitan akong matuto kungdi talagang tatakbo sa chowking at mcdo itong isa, madaling magsawa sa pagkain eh.

    weee, sampaloc? anong gagawin ba don bago isama sa sinigang? papakuluan? hahaha, clueless ako, kasi yung mga napanood ko mangga, kamias, calamansi ginamit. walang nagpakita ng sampaloc. :D

    see you mamaya gelplen! :)

    ReplyDelete
  16. i have no idea pano ginagawa sa sampaloc mahal. pero ang alam ko parang dinidikdik nila yon tapos pinapatulo katas sa sinigang. hehehe

    sabi ni brenda maghahanap daw sya later sa palengke. sana meron. hihihi

    ReplyDelete
  17. sampaloc - eto ginagawa ng lola ko - boil mo sampaloc hanggang lumambot ng husto, tapos dikdikin mo kahit nasa pot pa, yung katas nun ang pampaasim. tapos yung leftovers, ginagawa naming sawsawan ng inihaw na bulig with patis and sili. ayus ba? yan bulacan style. :)

    ReplyDelete
  18. syetttt napapacrave ako ng sinigang!!! Ung maasim!!! Waaaaaaa...

    ReplyDelete